ABOUT GLOBE AND SMART BROADBAND

ABOUT GLOBE AND SMART BROADBAND




Okay! linawin ko lang sayo ha, di ako against about globe at smart broadband. Actually, smart pa nga ang simcard ko eh. ^_^ Kaso nga lang pag naka smart or globe broadband ka, madalas kang di makaka click ng ads sa neobux account mo, or never ka talaga makaka click ng ads. Baket? Kase under terms and conditions ng neobux, dapat naka "unique IP address" ka sa pag view ng advertisements. Unfortunately, ang globe broadband at smart bro ay walang unique IP address, meaning naka "shared IP Address sila" so madalas pag mag lolog in ka sa neobux account mo laging sasabihin sayo dun na, "another user with the same IP already viewed this advertisements". So ang solusyon lang dyan sa IP address issue is hanapin mo yung kapit bahay mo na nag neneobux din, tapos putulin mo yung internet connection nila, pero di ko lang alam kung ilan silang nag neneobux ha kaya hanapin mo silang lahat.. Wahehehe! joke lang..^_^ Actually, ang solusyon sa problema mo ay mag pa DSL ka nalang, tutal seryoso ka naman mag ptc at eventually yung dagdag na babayaran mo sa DSL connection mo eh kayang kaya bayaran ng kikitain mo sa ptc.


So anu ba ang solusyon?

Of course ayaw ko nalang iwanan kang malungkot at parang wala kang magagawa.. Kaya ang ginawa ko ay nagtanong ako sa ibang broadband users na nag pptc rin at ang ginagawa nila ay ganito...


1. Ina unplug nila at pinaplug yung internet connection ( yung MODEM ) nila para mag palit ng IP Address yung internet connection nila hanggang maka sagap sila ng "unique IP address" kung saan wala pang naka register sa ptc at good thing nakaka pag click naman sila ng ads...

2. Nag request yung iba ng "personal IP address" sa internet provider nila sa pamamagitan ng pag tawag sa customer service ng internet provider nila. As far as I know me extra fee sa pag request ng personal IP but I don't know how much kaya itanong mo na lang sa internet provider mo ang information about dito... Once you have figure it out kung mag kano at paano ang proseso at you are so kind enough to give that information, then might as well send ka ng pm saken dito sa sulit para maidagdag ko dito sa sulit blog ko at maka tulong sa iba...

3. Mag shift ka na sa DSL para ala kang maging issue sa IP address mo. Tutal gusto mo naman pag kakitaan yung internet at computer mo baket di mo muna i sacrifice ang konting gastusin sa DSL at in the long run naman makaka build ka ng online generating income na makaka tulong sa pambayad ng mga expenses mo..

1 comment:

  1. Points2shop is the only thing I need, I get EVERYTHING I want, completely free.

    NO BS, NO HACKS NEEDED, Just Earn Money Fast.
    http://www.points2shop.com?ref=cornfeed

    ReplyDelete